Napagod ako. Andami kong mga nakalatag na gawain, nawalan nako tuloy ng oras at ganang tapusin ang paborito kong libro. Masyado akong nawalan ng interes sa pahinang huling binasa ko. Malungkot na di ko natapos ang matagal ko ng pinapangarap na libro ngunit kung itutuloy ko naman, madaming gawain ang hindi ko magagawang tapusin.
Masyado ng matagal ang oras na ibinigay ko sa nasabing libro, nawalan nako ng panahon para sa mga bagay na totoo. Naisip ko na saka na lang ulit, tutal mukhang wala naman akong napapala at mukhang parehas lang din naman ang ending. Katulad lang din ng ibang libro na aking nabasa, paulit-ulit, pare-parehas, walang makatotohanan.
Masyadong mabulaklak ang sumulat ng paborito kong libro, alam na alam nya kung paano laruin ang imahinasyon ng babasa nito, alam nya kung ano ang dapat sabihin. Nakuha nya ako doon ngunit kailangan kong itigil ang pagbabasa. Masyado ng hindi kapani-paniwala. Nakakapagod ang pang-bobola at paglalaro ng tadhana.
Wala akong pagsisisi na di ko tinuloy at tinapos ko na ang pagbabasa sa pabotrito kong libro. Madaming bagay ang dapat ko pang unahin, at sa mga bagay na ito, alam ko, handa ako na magbasa ulit ng isa pang libro. Libro na makatotohanan at siguradong ang sumulat ay hindi kathang isip lang.
Nararamdaman kong magiging masaya ako sa bagong librong mababasa ko. Pero saka na muna pag handa na akong ibigay lahat ng oras ko. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento